May pasok ako no'n. Hapon pa ang kaisa-isang subject namin sa buong araw kaya panuod-nuod lang ako ng telebisyon habang umiinom ng kape, na siguradong mag-papaalburoto na naman sa tiyan ko kaya diretsyo akong banyo pagkatapos. Tamad akong tumayo para ilipat ang channel manually sa pamamagitan ng mga buton sa mismong TV kaya ni-raid ko muna ang buong sala para lang hanapin ang remote, na sa panahong 'yon, ay nasa tabi ko lang pala.
Sinalubong ako ni Spongebob ng sumisigaw ng kung-ano kasama si Patrick at Squidward na nagmumukhang sira-ulo sa show na kinalalabasan nila.
Nang matapos ang palabas, na halos isang daan at tatlumpung beses ko na siguro napanood, nagpalit na uli ako ng channel at nanood ng balita. Ako na lang mag-isa sa bahay dahil nagsi-aral na ang dalawa ko'ng asungot na kapatid, at nagtrabaho na ang parents ko.
Bumungad sa 'kin ang isa na namang kontrobersya ukol sa mahal nating pangulong si Gloria Macapagal Arroyo (GMA). Tila napapanahon ang mga kontrobesiya sa kaniya sa panahong nakalipas, ano?
Pagkatapos ng Hello Garci Wiretapping, sumunod and ZTE Broadband Deal. Umarangkada ang tsismis (na lumalabas na totoo) tungkol sa pinaretoke niyang dibdib. At marami pa in between, s'yempre. Latest na nga lang ang nasabing $20,000 worth of dinner na nilamon niya at nga mga kampon niya eeh.
Sa buong termino ni Gloria, hindi na siguro natahimik ang buhay niya.
Alam na siguro natin kung bakit siya naluklok sa pwesto? Dahil siya ang vice-president noon ni Erap, na pinatalsik ng mamamayang Pilipino noong EDSA People Power 2, instant ang rise to power ni Gloria. Siya ang second lady president ng Pilipinas. Natapos ang termino niya, at dumaan ang eleksyon. Nabanggit niya na hindi siya tatakbo. Pero last minute ng pag-fifile ng candidacy, humabol ang cute nating presidente.
Hail para sa inconsistency ng ating dakilang pangulo!
At ngayon naman, sa nalalapit na 2010 Elections, tumataas na naman ang demand ng mga balitang kumakalat tungkol sa kaniya. Yun ngang nasabing expensive dinner sa abroad kasama ang mga alagad niya.
Hindi na siguro maloloko ang mga tao sa lame nilang excuse na galing ang pondo nila sa bulsa ng isang kongresman. Teka, sa'n ba naliligaw ang kamay ng mga congressman? Hindi ba sa kaban ng bayan din? Bulag na lang siguro ang magsasabi na hindi pa corrupt ang halos 99.9% ng mga pulitiko sa bansa. Ito ang greates drug ng mga pulitiko: PERA.
Masusunog siguro ang kaluluwa nila dahil sa isang pamatay na tanong lang: "Tumanggap ka na ba ng suhol at kumupit sa pera ng mga Pilipino?"
Sigurado yan. Numero uno sila sa pagsisinungaling.
Nagbabayad tayo ng tax nang tama at kumpleto, kung sino pa nga ang mga kapos, sila pa ang kumakayod ng doble, para lang umabot ang sweldo nilang kakarampot para pang-kain ng pamilya at pambayad ng tax. Dadagdag pa ang dumadagungdong na VAT at iba-ibang price-hikes kaya mas nasasadlak sila sa kahirapan.
Habang ang mga mayayaman, na literal na nakahiga sa salapi, sila pa ang nakakasuhan ng estafa at kung-anuano pang kasong may ugnay sa pera.
Ang mga pulitiko, nagpapakasasa sa pera habang milyon-milyong Pilipino ng dumaranas ng kahirapan, milyon-milyong bata ang walang sapat na edukasyon, milyon-milyong pamilya ang nagugutom sa daan, milyon-milyong matatanda ang namamatay sa malubha nilang sakit nang mag-isa, milyon-milyong krimen ang nagaganap sa mga akala nati'y ligtas na lugar. May ligtas bang lugar sa Pilipinas?
Ngayong patapos na ang termino ni Gloria, siguradong sinusulit na niya ang panahon niya sa pwesto.
At siyempre, pag naisipan niya na hindi pa sapat ang nakamkam niyang pera sa kaban ng bayan, isusulong niya ang ConAss at tahimik na magdedeklara ng matial law para mapalawig niya ang kaniyang termino.
Kung hindi magbabago ang mga pulitiko, mamamatay na lang tayo ng marahan dahil sa kahirapan dahil napupunta sa bulsa nila ang lahat ng pera na laan para sa mga Pilipino. Baon na tayo sa utang, dinadagdagan pa ng mga sakim na nakaakyat sa pwesto.
Paano susulong ang bansa kung ang mga lider mismo nito, ay silaw sa tukso ng salapi. Na walang ginagawang paraan para iahon ang mga mamamayan sa kahirapan. Oo nga't maraming napatupad na ibaibang batas sa edukasyon, at kalusugan, na para sa ikabubuti ng mga tao, pero bakit tila mas dominante ang mga ito ng mga negatibong resulta na nakakaapekto sa buhay nating mga Pilipino?
Wala na ba talagang pag-asa ang bansa? Ilang ulit na nating sinubukang magkaisa, pero hanggang ngayon, bigo pa rin ng buong bansa na sumulong sa kaunlaran. Hanggang ngayon, napapabilang pa rin tayo sa mga natagurian Third World Countries na may pinasusyal lang na pangalang, Developin Country. Napag-iwanan na tayo ng panahon, nasa baba pa rin ang Pilipinas.
Kailan pa kaya magkakaroon ng pagbabago?
Kinuha ko ang remote ng telebisyon mula sa tabi ko at nagpalit muli ng channel sa TV T. Nakalikha na naman muli si Jimmy Neutron ng isang kamangha-manghang imbensyon. Kailan pa kaya makakalikha ang mga Pinoy ng isang imbensyong makapagpapa-unlad sa sarili niyang bansa?

No comments:
Post a Comment